Sunday, September 30, 2007

Lasalista at Bedista



One thing I wanna share to everyone is... ako po ay kalahating BEDISTA at kalahating LASALISTA. Hindi ko na naman siguro kailangang i-explain kung pano nangyari dun diba? Basta dalawa ang dugo ko kumbaga, isang pula at isang berde (pag pinaghalo, ewan ko kung anong labas. haha!).

So anyway, since alam niyo na na I went to this two schools, I can continue na with what I really want to say.

Last week, for the 2nd time in a row, San Beda won the championships for the NCAA. Syempre, masaya ako dun. Kulang nalang mabutas ang sahig ng kinatatayuan ko kakatalon nung nagchampion. Expected na din naman kasi na magchachampion ang San Beda.

Last week din, natalo ang La Salle sa playoffs nila against Ateneo. Pero since twice to beat ang La Salle, they had a match kanina para malaman kung sino ang lalaban sa championship ng UAAP. Buti na lang at nanalo ang La Salle. Kung hindi, asar talo nanaman ako sa mga pinsan kong Atenista. Ang saya ko lang ngayon at alam kong ang La Salle ang papasok sa championship against UE.

Pero sa totoo lang, di na ako umaasa na manalo ang La Salle this season ng UAAP. Ang lakas kasi ng UE ngayon. Wala silang ipapanaman dun. Ewan ko nga ba. May isang tao ang La Salle para magprepare for their comeback (kasi na suspend for one season ang La Salle) pero wala parin silang ginawa. Well, meron siguro pero kulang. Hindi man lang nila na sweep and wins. Pero ok na din siguro yung ganito ang nangyari. Mas may thrill. At saka masarap ang feeling pag natatalo ng La Salle ang Ateneo eh (no offense sa mga Atenista, alam kong ganyan din ang feeling niyo pag natatalo niyo kami! Hehehe!).

Kailangan ko ng maghagilap ng tickets para sa championship games. Gastos na naman. Tapos may event pa sa Friday. Haaay! Ang hirap ng buhay estudyante. Ang daming gastos. (hahaha!)

No comments: