Thursday, October 4, 2007

La Salle Won (1st Game)

**Late Post**

Ngayon lang nagkaoras to post that La Salle won against UE on the first game of the UAAP Season 70 Finals!

Ayos!!! Mukhang double jackpot ako this year!!! Yeeeeyy!!

(DLSU)64 - 63(UE)
Animo La Salle!!!

next game is on Sunday 3pm in Araneta Coliseum

Sunday, September 30, 2007

Lasalista at Bedista



One thing I wanna share to everyone is... ako po ay kalahating BEDISTA at kalahating LASALISTA. Hindi ko na naman siguro kailangang i-explain kung pano nangyari dun diba? Basta dalawa ang dugo ko kumbaga, isang pula at isang berde (pag pinaghalo, ewan ko kung anong labas. haha!).

So anyway, since alam niyo na na I went to this two schools, I can continue na with what I really want to say.

Last week, for the 2nd time in a row, San Beda won the championships for the NCAA. Syempre, masaya ako dun. Kulang nalang mabutas ang sahig ng kinatatayuan ko kakatalon nung nagchampion. Expected na din naman kasi na magchachampion ang San Beda.

Last week din, natalo ang La Salle sa playoffs nila against Ateneo. Pero since twice to beat ang La Salle, they had a match kanina para malaman kung sino ang lalaban sa championship ng UAAP. Buti na lang at nanalo ang La Salle. Kung hindi, asar talo nanaman ako sa mga pinsan kong Atenista. Ang saya ko lang ngayon at alam kong ang La Salle ang papasok sa championship against UE.

Pero sa totoo lang, di na ako umaasa na manalo ang La Salle this season ng UAAP. Ang lakas kasi ng UE ngayon. Wala silang ipapanaman dun. Ewan ko nga ba. May isang tao ang La Salle para magprepare for their comeback (kasi na suspend for one season ang La Salle) pero wala parin silang ginawa. Well, meron siguro pero kulang. Hindi man lang nila na sweep and wins. Pero ok na din siguro yung ganito ang nangyari. Mas may thrill. At saka masarap ang feeling pag natatalo ng La Salle ang Ateneo eh (no offense sa mga Atenista, alam kong ganyan din ang feeling niyo pag natatalo niyo kami! Hehehe!).

Kailangan ko ng maghagilap ng tickets para sa championship games. Gastos na naman. Tapos may event pa sa Friday. Haaay! Ang hirap ng buhay estudyante. Ang daming gastos. (hahaha!)

Bakit SPACE CADET?

I honestly don't know what I am suppose to write on my first post. Actually, bored lang ako ngayong araw na'to kaya naisipan ko na gumawa ng isang "public blog". Nahihirapan kasi ako with my other blog kasi I don't get to really express and post what I want. The reason is because that account is very personal. Ayoko namang lahat ng bagay about me eh nakapost online tapos kilala ko personally yung mga bumabasa dun diba? Badtrip naman yun. Parang wala ng privacy, lahat alam na nila about me. Kaya, I made this. A public blog for everyone to read and enjoy, pero kept anonymously.

Siryoso ako when I said I'll keep my identity hidden so don't even try asking kung sino ako. Kasi yun nga yung purpose kung bakit ko ginawa 'tong blog na to. To be able to write and post whatever I want na walang pakialam kahit sino ang magbasa or magcomment or whatever kasi hindi naman naka lantad kung sino ako.

Basta yon! Ako si SPACE CADET. Ok na yon!


Magiging masaya to! Namiss ko ding magblog publicly kaya walang humpay na post nanaman toh. Hahaha!